top of page

Driver, patay sa pamamaril sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte

  • Teddy Borja
  • Oct 15
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Patay ang isang driver nang pagbabarilin sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.


Naganap ang pamamaril alas 6:30 ng gabi sa Barangay Labungan ng bayan.


Kinilala ang biktima sa alyas na “Nasser”, residente ng nasabing barangay.


Base sa imbestigasyon ng awtoridad, nasa loob lamang ng kanyang bahay ang biktima nang bigla umanong dumating ang suspek at pinagbabaril ito.


Agad tumakas ang salarin matapos ang krimen.


Natagpuan ng awtoridad sa crime scene ang apat na fired cartridge cases.


Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng awtoridad sa insidente.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page