top of page

Driver sa insidente ng hit-and-run sa Sinsuat Avenue, Cotabato City na ikinasawi ng 14-anyos na binatilyo at ikinasugat ng pinsan nito, sumuko kay Mayor Bruce Matabalao

  • Diane Hora
  • Oct 29
  • 1 min read

iMINDSPH



ree

Inanunsyo ng Cotabato City Government ang pag-usad sa kaso ng hit-and-run incident sa Sinsuat Avenue na ikinasawi ng isang 14-anyos na binatilyo at ikinasugat ng kanyang pinsan noong nakaraang linggo.


Sa agarang interbensyon ni Mayor Bruce Matabalao, sumuko sa mga awtoridad ang 37-year-old driver ng itim na Toyota Hilux (DBS 9218) na sangkot sa aksidente.


Nakipag-ugnayan ang alkalde sa Cotabato City Police Office (CCPO) at sa pamilya ng suspek upang matiyak ang maayos na proseso ng pagsuko.


Batay sa ulat ng CCPO, naganap ang insidente bandang 2:18 a.m. sa tapat ng Panda Palace Hotel habang sakay ng bisikleta ang dalawang biktima. Agad na nasawi ang 14-anyos, habang ang kasama nitong pinsan ay patuloy na ginagamot sa ospital.


Kasabay ng pagsisikap ni Mayor Matabalao, personal na nagtungo si Mayor Alinader “Dagar” Balindong ng Malabang, Lanao del Sur sa Cotabato City upang makipag-ugnayan mismo sa alkalde. Si Mayor Balindong mismo ang naghatid at nagsuko sa driver sa Police Station 1, bilang pagpapahayag ng kanyang kooperasyon at paggalang sa proseso ng hustisya.


Habang nasa kustodiya ang suspek, personal na sinamahan ni Mayor Matabalao ang pamilya ng mga biktima upang tiyaking maayos ang proseso at nakiramay sa pamilya ng biktima.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page