top of page

Driver sa viral post ng isang traffic enforcer sa lungsod, humarap kay Mayor Bruce Matabalao, umamin at nagbayad ng fines

  • Oct 29, 2025
  • 1 min read

iMINDSPH



Sa presensya ng City Traffic and Transport Management Council (CTTMC), inamin ng babaeng driver ang pagkakamali at agad nagbayad ng kaukulang multa sa pagharap nito kay Cotabato City Mayor Bruce Matabalao upang ayusin ang isyu.


Siya ang nagmamaneho ng sasakyan na pumarada sa hindi wastong lugar sa Sinsuat Avenue.


Sa kabila ng kontrobersya sa social media, maayos na natapos ang usapan sa pamamagitan ng paggalang at bukas na pakikipag-ugnayan. Pinuri ni Mayor Matabalao ang kanilang kilos bilang halimbawa ng responsableng pagtalima sa batas.


Paalala ni Mayor Matabalao, ang disiplina aniya sa kalsada ay nakikita sa paraan ng ating paggalang sa batas at sa kapwa motorista.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page