top of page

Driver, tiklo sa buy-bust operation sa Cotabato City; Hinihinalang shabu at buy-bust money, nakumpiska

  • 2 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Arestado ang isang hinihinalang street-level drug personality matapos maaresto sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa lungsod ng Cotabato.


Kinilala ang naaresto na si alyas “Utong”, 30 taong gulang, may asawa, isang driver at residente ng Poblacion 6, Cotabato City.


Matagumpay na nakabili ang police poseur buyer ng isang sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit-kumulang 0.08 gramo at nagkakahalaga ng ₱544.00.


Agad na inaresto ang suspek at narekober mula sa kanyang pag-iingat ang buy-bust money na isang limang-daang pisong papel.


Ang suspek ay sasailalim sa booking, medical, at drug testing. Ang nakumpiskang ilegal na droga ay ipapadala sa Regional Forensic Unit–BAR para sa pagsusuri.


Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page