DRIVERS, SUGATAN SA PAMAMARIL Sa loob mismo ng kanilang bahay sa Malidegao, Special Geographic Area, BARMM
- Mar 10
- 1 min read
iMINDSPH

Kinilala ang biktima na si alyas "Ali", 27 taong gulang, may asawa, at residente ng Barangay Fort Pikit, Malidegao, SGA BARMM.
Batay sa paunang imbestigasyon, bandang 6:30 ng gabi habang nasa loob ng kanilang bahay ang biktima nang dumating ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek na sakay ng itim na motorsiklo.
Pumasok umano ang mga suspek sa bahay ng biktima at pinagbabaril ito ng ilang beses, dahilan upang magtamo siya ng isang tama ng bala sa kanang braso at dalawang tama sa likod na tumagos sa dibdib at tiyan.
Matapos ang insidente ay agad tumakas ang mga suspek patungo sa hindi matukoy na direksyon.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang walong slug at dalawang basyo ng bala
Agad namang isinugod ng mga concerned citizen ang biktima sa Cruzado Medical Hospital bago ito inilipat sa Anecito T. Pesante Sr. Memorial Hospital para sa medical treatment.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng awtoridad upang matukoy ang mga salarin at motibo sa krimen.



Comments