top of page

Drug peddler, arestado sa isinagawang police foot patrol sa Tamparan, Lanao del Sur; Hinihinalang shabu, nakumpiska

  • Jan 9
  • 1 min read

iMINDSPH

Timbog ang isang drug peddler matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa isang police foot patrol.


Naaresto ang suspek na kinilala sa alyas na “Mad” bandang alas-5:38 ng hapon noong January 2, matapos iulat ng isang concerned citizen ang umano’y ongoing illegal drug transaction sa lugar.


Nang mapansin ang presensya ng pulis, sinubukan tumakas ng suspek at kasamahan nito na kinilalang si alyas “Utol”, nang nahulog ang isang Platinum cigarette box na naglalaman ng isa (1) heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu, humigit-kumulang 0.16 gramo na tinatayang may halaga na ₱1,156, kasama ang isang aluminum foil na may shabu residue.


Agad na inaresto si alyas “Mad”, habang ang kasamahan niyang si “Utol” ay nakatakas.


Dinala ang suspek sa Tamparan Municipal Police Station para sa dokumentasyon at booking, at ihahain ang kaso laban sa kanya kaugnay ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page