top of page

DRUG PERSONALITY, ARESTADOSa isinagawang buy-bust operation sa Cotabato City

  • Apr 8
  • 1 min read

iMINDSPH


Sa Cotabato City —

Isang hinihinalang drug personality ang naaresto ng mga awtoridad matapos ang isinagawang buy-bust operation sa Mother Barangay Bagua. Kinilala ang naarestong suspek sa alyas na “Skylab”, 35 taong gulang, lalaki, walang trabaho, at residente ng nasabing lugar.


Ayon sa ulat, bandang alas-7:20 ng gabi nang isagawa ng SDET personnel ng Police Station 4, kasama ang 1404th RMFC-RMFB14-A, CCPO CPDEU at sa koordinasyon ng PDEA-BAR ang operasyon.


Nauwi sa pagkakaaresto ng suspek ang buy-bust operation matapos umano itong makipagtransaksyon sa poseur buyer.


Ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa himpilan ng pulisya at isasailalim sa laboratory examination.


Samantala, dinala rin sa police station ang suspek para sa booking at documentation at sasailalim sa drug testing.


Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page