Drug suspect, arestado; Hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱52,598.00, nasamsam
- Jan 23
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang isang 42-anyos na event organizer matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa ikinasang anti-illegal drug buy-bust operation ng awtoridad.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si alyas “Rody”, 42 taong gulang, binata, isang program organizer, na residente ng Barangay Anonang, Midsayap. Naaresto ang suspek matapos umanong bentahan ng ilegal na droga ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer sa isinagawang buy-bust transaction.
Nakumpiska mula sa kanyang pag-iingat ang tatlong heat-sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 7.735 gramo at tinatayang street value na ₱52,598.00, isang ₱500 bill na ginamit bilang buy-bust money, isang improvised glass tooter, at iba pang personal na gamit.
Agad na dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Midsayap Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon, inventory, at disposisyon. Isinailalim na rin sa wastong proseso ang mga ebidensya.
Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.



Comments