top of page

DRUG SUSPECT, ARESTADO sa isinagawang operasyon ng awtoridad sa Cotabato City; Hinihinalang shabu at buy-bust money, nasamsam

  • 2 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH

Sa Cotabato City —

Arestado ang isang indibidwal matapos maaktuhan sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kaugnay ng ilegal na droga. Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Trex”, 31 anyos, residente ng Purok Pimbaglan, Kalanganan II, Cotabato City.


Bandang alas-6:20 ng kagabi, March 26 nang magsagawa ng buy-bust operation ang Station Drug Enforcement Team ng Police Station 3, Cotabato City Police Office sa koordinasyon ng PDEA-BARMM.


Matagumpay na nakabili ang poseur buyer, sa tulong ng isang confidential agent, ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 0.3 gramo at nagkakahalaga ng ₱500.


Agad na inaresto ang suspek matapos ang transaksyon at narekober mula sa kanyang posesyon ang buy-bust money.


Dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya habang ang mga nakumpiskang ebidensya ay ipapadala sa forensic laboratory para sa pagsusuri.


Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page