DRUG SUSPECT, ARESTADO sa isinagawang police operation sa Mother Barangay Tamontaka, Cotabato City
- Apr 6
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Cotabato City —
Arestado ang isang hinihinalang drug personality sa isinagawang buy-bust operation sa Mother Barangay Tamontaka. Kinilala ang suspek na si alyas “Madedo”, 28 taong gulang, hiwalay sa asawa, walang trabaho, at residente ng Barangay Tamontaka, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Nasamsam mula sa kanyang pag-iingat ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit-kumulang 0.2 gram at nagkakahalaga ng ₱500.
Narekober din ang buy-bust money na isang ₱500 bill.
Ang mga nakumpiskang ebidensya ay isasailalim sa laboratory examination ng Regional Forensic Unit BAR, habang ang suspek ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa booking, documentation, at drug testing.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments