top of page

Drug suspect, arestado sa Tupi, South Cotabato; ₱68K halaga ng suspected shabu at .45 caliber pistol, nasamsam

  • Teddy Borja
  • 7 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Himas rehas ang isang drug suspect matapos makumpiskahan ng ilegal na droga at baril sa isinagawang search warrant operation ng pulisya sa bayan ng Tupi.


Kinilala ang naaresto sa alyas na “Kwas”, residente ng Barangay Palian, Tupi, South Cotabato.


Sa isinagawang search sa pamamahay ng suspek, narekober ang limang heat-sealed plastic sachets ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 10 gramo at tinatayang ₱68,000.00, na halaga na nakalagay sa isang itim na belt bag.


Nasamsam din ang isang Colt .45 caliber pistol na may isang magazine na may limang bala, dalawampu’t isang bala ng .45 caliber, labing-walong bala ng .22 caliber, isang sling bag, at isang holster.


Isinilbi ng awtoridad ang search warrant na inisyu ng Regional Trial Court ng Polomolok noong Enero 27, 2026.


Ang naarestong suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Tupi Municipal Police Station para sa wastong dokumentasyon, disposisyon, at paghahain ng kaukulang kaso sa paglabag sa Republic Act No. 9165 at mga kaugnay na batas sa illegal possession of firearms.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page