top of page

Drug suspect na construction worker, arestado sa Makilala, Cotabato; ₱68K halaga ng suspected shabu, nasamsam

  • Teddy Borja
  • Feb 4
  • 1 min read

iMINDSPH



Himas rehas ang isang construction worker matapos makumpiskahan ng mahigit ₱68,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang search warrant operation sa bayan ng Makilala.


Kinilala ang naaresto sa alyas na “Robert”, 40-anyos, binata, isang construction worker at residente ng Barangay Jose Rizal, Makilala.


Isinilbi ang search warrant laban sa suspek dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9165.


Sa isinagawang search sa tirahan ng suspek, narekober ang tatlong sachets ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 10 gramo at tinatayang halaga na ₱68,000.00 batay sa National Standard Drug Price.


Ang naarestong suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya ay agad na dinala sa Makilala MPS para sa wastong dokumentasyon, disposisyon, at paghahain ng kaukulang kaso.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page