Drug suspect, nadakip sa buy-bust operation sa Isulan, Sultan Kudarat
- Jan 16
- 1 min read
iMINDSPH

Nasakote ng pulisya ang babaeng umano'y sangkot sa ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation.
Bandang alas-3:56 ng madaling araw, January 13, 2026, isinagawa ang buy-bust operation.
Kinilalang ang suspek na si alias “Shella Mae”, 29 taong gulang, single, walang trabaho, at residente ng nasabing barangay. Ang suspek ay kinilala bilang Street Level Individual.
Nakumpiska mula sa suspek ang apat (4) na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng kabuuang 8.129 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na ₱55,277.20.
Nasamsam din ang isang cellphone, isang brown bag, isang brown wallet, at ang marked one thousand peso bill na ginamit bilang buy-bust money.
Agad na dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Isulan Municipal Police Station para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments