top of page

DSWD FO IX at PBSP, nakipagpulong kay Gov. Hataman para sa food security at kabuhayan sa Basilan

  • Jan 16
  • 1 min read

iMINDSPH


Pinangunahan ang grupo ni Division Chief Hj. Jamila Amasid, kasama sina Lhorenz Patrick Martinez, Kain Tayo Pilipinas Coordinator ng Philippine Business for Social Progress (PBSP), at Mark Ivan Padilla, PBSP Project Officer.


Kasama rin sa pagpupulong si Anwary Akalun, Provincial Social Welfare and Development Officer ng lalawigan.


Sa maikli ngunit makabuluhang pagtitipon, tinalakay ang posibleng partnership sa bagong Program at ipinakilala ang Kain Tayo Pilipinas, isang programa ng PBSP na nakatuon sa mas maayos na nutrisyon, pagkain sa mesa, at matibay na kabuhayan, partikular para sa mga sektor na pinaka-nangangailangan.


Ayon sa pamahalaang panlalawigan, sa ilalim ni Gov. Hataman, layunin ng nasabing mga inisyatiba ang pagkakaisa ng tulong mula sa gobyerno at private sector, upang ramdam ng komunidad ang serbisyo at tuloy-tuloy ang pag-angat ng kabuhayan sa Basilan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page