Dump truck, itinurn over ng tanggapan ni BTA Deputy Speaker Baintan Ampatuan sa kapitan ng Rosary Heights 8, Cotabato City katuwang ang MPW
- Jan 15
- 1 min read
iMINDSPH

Tinanggap ng Punong Barangay ng Rosary Heights 8, Cotabato City ang bagong dump truck mula sa opisina ni BTA Deputy Speaker Baintan Ampatuan.
Isinagawa ang turnover araw ng Miyerkules, January 14 sa Ministry of Public Works compund sa Cotabato City. Katuwang ng MPW ang mambabatas sa proyekto na pinondohan sa ilalim ng
2024 Regular Infrastructure
Hangad naman Engr. Nabil Mamoribid, assistant District Engineer ng MPW na magamit at mamaintain ang kondisyon ng equipment.
Ipinaliwanag ni Engr. Shamsuddin Hussien, Chief ng Equiment Management Division ng MPW, ang mga naging dahilan ng pagkaka antala ng distribution ng mga heavy equipment na ito.
Nagpapasalamat naman ang kapitan sa mambabatas at maging sa Ministry of Public works sa natanggap na heavy equipment.



Comments