๐๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐จ๐ง๐ ๐ซ๐๐ฌ๐ฌ๐ฆ๐๐ง, ๐๐ญ๐ญ๐ฒ. ๐๐ข๐๐ก๐๐๐ฅ ๐๐๐ฌ๐ญ๐ฎ๐ซ๐, ๐ ๐ข๐ง๐๐ฐ๐๐ซ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐จ๐๐ญ๐จ๐ซ ๐จ๐ ๐๐ฎ๐ฆ๐๐ง๐ข๐ญ๐ข๐๐ฌ, ๐๐จ๐ง๐จ๐ซ๐ข๐ฌ ๐๐๐ฎ๐ฌ๐ ๐ง๐ ๐๐ญ๐๐ง๐๐จ ๐๐ ๐๐๐ฏ๐
- Diane Hora
- 2 days ago
- 2 min read
iMINDSPH

Kinilala bilang isa sa mga haligi ng intelektuwal na pamumuno at kapayapaan sa Mindanao si dating congressman, Atty. Datu Michael Mastura. Ginawaran ang mambabatas ng Doctor of Humanities, honoris causa ng Ateneo de Davao University, sa gaganaping Traditional University Awards 2025โ2026.
Ayon sa pagkilala, ang parangal na ito ay sumasalamin sa misyon at mga pagpapahalaga ng Ateneo de Davao University. Ayon sa unibersidad, ang dating mambabatas ay nag-ambag nang makabuluhan sa pagbabago ng mga pamayanan at sa patuloy na paghahangad ng katarungan, kapayapaan, at dignidad ng tao, lalo na sa Mindanao.
Bilang mambabatas, legal scholar, at historian, naging mahalaga din anila ang papel ni Atty. Michael Mastura sa paghubog ng intelektuwal at institusyunal na pundasyon ng autonomiya at kultural na integridad sa Muslim Mindanao. Ang kanyang mga gawa, mula sa batas at akademya hanggang sa pagsusulong ng kapayapaan ay naglatag umano ng matibay na balangkas para sa makatarungan at inklusibong pamamahala sa Bangsamoro.
Bukod sa pagiging eminent laweyer, si Atty. Datu Michael Mastura isang statesman, at historian na kinikilalang haligi sa pagsusulong ng Bangsamoro self-determination at interfaith understanding sa Pilipinas. Bilang descendant ni Sultan Kudarat, pinagsasama niya ang malalim na personal heritage at makabagong scholarship.
Nagsilbi siya bilang Representative ng Maguindanao at Cotabato City mula 1987 hanggang 1995, kung saan isinulong niya ang mga batas para sa kaunlaran ng Muslim Mindanao at pagkilala sa kulturang Moro. Naging delegado rin ito sa 1971 Constitutional Convention, kung saan mariin niyang ipinaglaban ang karapatan ng mga Muslim Filipino.
Malaki rin ang naging papel niya sa pagbalangkas ng 1977 Code of Muslim Personal Laws o Presidential Decree 1083 na pormal na nagtatag ng Shariah courts sa Philippine justice system.
Sa parehong legal practice at akademya, patuloy na nagsikap si Datu Michael Mastura na i-harmonize ang Islamic law at Philippine lawโbilang co-founder ng Southeast Asian Shariah Law Association at may-akda ng mga impluwensiyal na pag-aaral sa larangang ito.
Bilang historian at manunulat, binigyang-liwanag ni Datu Michael Mastura ang mayaman na kasaysayan at identity ng Bangsamoro people. Sa kanyang mga akda at lecture, pinalalim niya ang pag-unawa sa kasaysayan ng Moro at sa naratibo ng kanilang pakikibaka, upang matiyak na ang Bangsamoro heritage ay kinikilala bilang mahalagang bahagi ng pambansang kuwento ng Pilipinas.
Pinalawak din niya ang kanyang pamumuno sa larangan ng kapayapaan: bilang senior member ng peace negotiating panel ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) noong dekada 2000, tumulong siyang hubugin ang mga makasaysayang kasunduanโkabilang ang Framework Agreement on the Bangsamoroโna naglatag ng daan para sa pangmatagalang kapayapaan at sa pagkakatatag ng Bangsamoro Autonomous Region.
Ang kanyang โexemplary contributions sa Shariah law, legislation, at cultural at historical recognition ng Bangsamoro peopleโ ang dahilan kung bakit iginagalang siya kapwa ng Muslim at Christian communities.
Sa paggawad sa kanya ng Doctor of Humanities, honoris causa, ipinagdiriwang ng Ateneo de Davao University ang habang-buhay niyang visionary leadership, scholarship, at tapat na paglilingkodโisang tunay na beacon of wisdom at dialogue na nagbibigay-inspirasyon sa susunod na henerasyon na itaguyod ang hustisya, mutual respect, at ang transformative power of knowledge.



Comments