top of page

EARLY CHILDHOOD SERVICES SA BARMM Pinalalakas pa sa pangunguna ng MSSD at UNICEF

  • Mar 5
  • 1 min read

iMINDSPH



Isinagawa ng MSSD at UNICEF ang apat na araw na strategic planning workshop noong Pebrero 24 hanggang 27, 2026, upang palakasin ang serbisyo para sa early childhood sa rehiyon.


Sa pangunguna ng Office of the Director-General ng MSSD, dinaluhan ang workshop ng mga miyembro ng Bangsamoro ECCD Technical Working Group (TWG). Kabilang sa mga core members nito ang MOH, MBHTE, MILG, at MSSD, habang nagsilbi namang expanded members ang MIPA, MAFAR, MFBM, at BPDA.


Ayon sa MSSD, pangunahing layunin ng nasabing aktibidad na bumuo ng isang regional coordinating body na magpapatakbo sa mga serbisyo para sa mga batang edad 0 hanggang 8. Alinsunod ito sa Republic Act No. 12199, na nag-aatas sa mga lokal na pamahalaan na ibigay ang lahat ng suportang kailangan para sa kabuuang paglaki ng bata.


Sa workshop, lumabas ang ilang hamon sa rehiyon tulad ng kakulangan sa nutrisyon, limitadong akses sa edukasyon, at kakulangan ng child development workers sa mga malalayong lugar.


Ang kasalukuyang Bangsamoro ECCD TWG, na itinatag noong Marso 28, 2025 sa ilalim ng RSCWC Resolution No. 2, ay nagsisilbing preparatory body habang inihahanda ang pormal at permanenteng mekanismo para sa koordinasyon ng mga serbisyo para sa mga bata sa BARMM.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page