top of page

EARLY LEARNING PROGRAM Matagumpay na tinapos ng 117 young learners mula sa 29 Child Development Centers sa Pualas, Lanao del Sur

  • 2 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH

Pinangunahan ng MSSD Pualas Unit Office ang isinagawang moving-up ceremony para sa mga batang nagtapos sa early learning program noong Marso 23, 2026 sa Maligo Gymnasium, bayan ng Pualas.


Kabuuang 117 young learners mula sa 29 Child Development Centers (CDCs) ang matagumpay na nakatapos sa kanilang unang yugto ng edukasyon.


Isinagawa ang seremonya sa ilalim ng Early Childhood Care and Development (ECCD) Program, na may temang “Munting Hakbang Tungo sa Maunlad na Kinabukasan.” Layunin nitong matiyak ang pagbibigay ng dekalidad na early education na susuporta sa kabuuang pag-unlad o holistic development ng mga bata.


Dinaluhan ng mga magulang, Child Development Workers (CDWs), at BLGU officials ang naturang programa.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page