Edsa People Power Revolution may malalim na kahulugan sa buhay ng bawat Pilipino ayon sa isang Professor ng Cotabato State University
- Feb 25
- 1 min read
iMINDSPH

Apatnapung taon matapos ang makasaysayang pag-aalsa, patuloy na ginugunita ng bansa ang diwa ng pagkakaisa at kapayapaan na naging susi sa tagumpay ng People Power Revolution.
Nagbalik tanaw si Professor Wahab Mangambit, History at Rizal Instructor ng Cotabato State University
Dagdag pa ng propesor, ipinapakita ng EDSA Revolution na ang tunay na pagbabago ay maaaring makamit sa pamamagitan ng pagkakaisa at kapayapaan, hindi sa karahasan.
Samantala, ayon kay Ricarda De Leon, 94-anyos na residente ng lungsod, hindi umano nila gaanong naramdaman ang tensyon noon sa kanilang lugar at nanatiling maayos ang sitwasyon.
Ayon pa kay Professor Mangambit, mahalagang maipasa sa bagong henerasyon ang tunay na diwa ng People Power sa pamamagitan ng edukasyon at pagbibigay-halaga sa kasaysayan.
Sa paggunita ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, muling binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa, kapayapaan, at sama-samang pagkilos para sa kapakanan ng bayan.
Makalipas ang apat na dekada, nananatiling paalala ang People Power na ang lakas ng sambayanan ay nasa pagkakaisa—at na demokrasya ay patuloy na dapat pangalagaan at ipaglaban ng bawat henerasyon.



Comments