Electrician, kulong matapos isilbi ng awtoridad ang warrant of arrest sa kasong pagnanakaw
- Teddy Borja
- May 23
- 1 min read
iMINDSPH

Kulungan ang bagsak ng 29 taong gulang na si alyas “John” na residente ng Peniafrancia Village, Barangay Rosary Heights 11, Cotabato City.
Inaresto ito alas 4:00 ng hapon, araw ng Huwebes, May 22.
Ang warrant of arrest ay inisyu ni Judge Angelito Vencer Rasalan, Acting Presiding Judge, Municipal Trial Court, 12th Judicial Region, Cotabato City, Maguindanao na may petsa na April 10, 2015.
Ten thousand pesos ang inirekomenda ng korte na piyansa sa kaso.
Nasa kustodiya ng police station 2 Cotabato City ang suspek habang inihahanda ang lahat ng kaukulang dokumento bago ibalik ang warrant sa korte
Komentarze