top of page

Embalsamador at 2 Regional Most Wanted, arestado ng awtoridad sa magkahiwalay na operasyon sa Koronadal City at Polomolok, South Cotabato

  • LHBK
  • 3 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Arestado ang isang embalsamador at dalawang Regional Level Most Wanted Persons matapos isilbi ng awtoridad ang warrant of arrest sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.


Bandang alas 12:20 ng tanghali at alas 2:00 ng hapon, araw ng Miyerkules, October 8 nang mahuli ng puwersa ng Koronadal City Police Station, CIDG South Cotabato, Highway Patrol Unit, South Cotabato PIU, at RID 12 Tracker Team Charlie, ang dalawang Regional Level Most Wanted Persons na kinilalang sina alyas “Ram-Ram” at “Bert”, kapwa residente ng Brgy. San Isidro, Koronadal City.


Ang dalawang suspek ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa paglabag sa Section 5, Article II ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kaso.


Bandang alas 4:58 ng hapon naman nang isinagawa ng pinagsanib na operatiba ng SCPDEU, Polomolok MPS, at PDEA 12 ang isang buy-bust operation sa Brgy. Poblacion, Polomolok, na nagresulta sa pagkakaaresto ni alyas “Roy”, 58 taong gulang, isang embalsamador at residente ng Vista Village, Brgy. Poblacion.


Narekober mula sa kanyang pag-iingat ang hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 0.4 gramo, na may tinatayang street value na ₱2,744.00, kasama ang marked buy-bust money.


Ang lahat ng naarestong suspek ay nasa kustodiya na ng pulisya, habang isinasapinal na ang mga kaukulang kaso na ihahain laban sa kanila.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page