Emergency Assistance Program, inilunsad ng Sultan Kudarat LGU
- Diane Hora
- Oct 13
- 1 min read
iMINDSPH

Isa sa mga pangunahing layunin ng pamunuan ni Mayor Datu Shameem Biruar Mastura ay ang pagtitiyak na ang bayan ng Sultan Kudarat ay laging handa sa pagharap sa anumang kalamidad.
Dahil sa mga naranasang mga pag-ulan na naging sanhi ng pagbaha sa iilang mga barangay sa bayan, patuloy ang paghahatid ng relief assistance ng LGU.
Kamakailan, nagpadala ng tulong si Mayor Mastura sa mga residente ng Barangay Narra, matapos ang epekto ng isang kalamidad na nagdulot ng matinding pangangailangan at pagbaha sa lugar.
Ipinag-utos din ng alkalde ang agarang pagtukoy at pagbibigay ng solusyon sa problema ng pagbaha, upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga apektadong residente.
Inilunsad din ng LGU ang Emergency Assistance Program, kung saan magbubukas ang LGU ng isang dedicated hotline para sa mga mamamayang nangangailangan ng tulong sa panahon ng sakuna, emergency o rescue operation.



Comments