Emergency Go Bags Ipinamahagi ng tanggapan ni dating MP Jamel Macacua at MP Abdulraof Macacua sa 240 kabahayan sa Matuber, Datu Blah Sinsuat at Tapian, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao
- Feb 23
- 1 min read
iMINDSPH

Para sa kapakanan ng mga komunidad, lalo na ng mga pamilyang naninirahan sa mga disaster-prone areas, ipinamahagi ng tanggapan ni dating MP Jamel Macacua ang ๐๐บ๐ฒ๐ฟ๐ด๐ฒ๐ป๐ฐ๐ ๐๐ผ ๐๐ฎ๐ด๐ sa dalawang daan at apatnapung kabahayan sa Tapian, Datu Odin Sinsuat at Matuber, Datu Blah Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Ang pondo ay mula sa ๐ง๐ฟ๐ฎ๐ป๐๐ถ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐๐ฒ๐๐ฒ๐น๐ผ๐ฝ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐ฐ๐ ๐๐๐ป๐ฑ o ๐ง๐๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ ng dating mambabatas, na ipinagpapatuloy ng tanggapan ni MP Abdulraof Macacua.
Ito umano ay bilang tulong sa pagpapalakas ng kahandaan ng mga pamilya sa oras ng sakuna. Sa pakikipagtulungan ng PDRRMO ng Maguindanao del Norte, malinaw na ipinaliwanag ang mga nilalaman ng go bags at ang mahalagang papel ng bawat gamit.
Isinagawa rin ang isang aktwal na demonstrasyon kung paano ito wastong gagamitin sa panahon ng sakunaโisang konkretong hakbang tungo sa mas ligtas, mas handa, at mas matatag na komunidad.
Nagpapasalamat naman ang tanggapan ng mga mambabatas sa MSSD, pati na rin sa lahat ng ๐ ๐๐ฅ๐ฅ๐ ๐ข๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฒ๐ฟ๐, ๐๐๐จ, at ๐๐๐๐จ na naging katuwang sa matagumpay na pagsasakatuparan ng programa.



Comments