top of page

END-OF-SCHOOL-YEAR RITES Para sa mga magtatapos ng Kindergarten, Grade 6, Grade 10, at Grade 12 sa School Year 2025-2026, Itinakda ng MBHTE ang seremonya sa March 28 hanggang April 1

  • Mar 6
  • 1 min read

iMINDSPH



Naglabas ng Regional Memorandum No. 0105, Series of 2026 ang Ministry of Basic, Higher and Technical Education ng Bangsamoro (MBHTE-BARMM) kaugnay sa isasagawang End-of-School-Year (EOSY) Rites para sa School Year 2025–2026.


Ayon sa memorandum, ang pagtatapos ay para sa mga mag-aaral ng Kindergarten, Grade 6, Grade 10, at Grade 12 na nakatupad sa lahat ng kinakailangang requirements ng kanilang curriculum.


Ang aktibidad ay alinsunod sa MBHTE Regional Memorandum No. 0396 s. 2025, na kilala bilang Multi-year Implementing Guidelines para sa School Calendar and Activities.


Ang tema ng EOSY Rites ngayong taon ay “Henerasyon ng Pagkakaisa: Haligi ng Moral na Pamamahala Tungo sa Masagana at Mapayapang Bangsamoro.”


Nakatakdang isagawa ang mga seremonya mula Marso 28 hanggang Abril 1, 2026 sa mga paaralan sa Bangsamoro region.


Samantala, magkakaroon ng hiwalay na memorandum para sa iskedyul ng Alternative Learning System (ALS) Completion Rites.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page