Epektibong serbisyo at pagpapaunlad sa BARMM, tinalakay sa courtesy visit ni Basilan Vice Governor Jim Hataman Salliman kay BARMM ICM Abdulraof Macacua
- Diane Hora
- Oct 8
- 1 min read
iMINDSPH

Mainit na tinanggap ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macaua si Basilan Vice Governor Jim Hataman Salliman sa pagbisita nito sa tanggapan ng opisyal, araw ng Lunes.
Sa impormasyon na ibinahagi ni ICM Macacua, tinalakay aniya sa pulong ang mga kinakaharap na hamon at oportunidad para sa mas maayos na paghahatid ng serbisyo sa buong rehiyon partikular sa lalawigan ng Basilan.
Bukod sa mga plano sa pagpapaunlad ng mga komunidad, muling pinagtibay ng dalawang opisyal ang kanilang paninindigan para sa moral governance, kapayapaan at pagkakaisa sa BARMM.
Ang pagbisita ng bise gobernador ayon kay Macacua ay patunay ng patuloy na pakikipag ugnayan ng mga lokal na lider upang mas mapalalim pa ang kooperasyon at malasakit sa mga mamamayan.



Comments