Eroplano na may biyahe mula Taiwan patungong Pilipinas, nasaksihan ang makulay na fireworks display sa Metro Manila mula sa himpapawid sa pagsalubong sa Bagong Taon; Eroplano, unang international flig
- Jan 2
- 1 min read
iMINDSPH

Ito ang ibinahaging video ng isang netizen na kuha habang sakay ng eroplano mula Taiwan patungong Pilipinas.
Eksaktong bagong taon nang dumating sa bansa ang kanilang sinakyang eroplano.
Tanaw mula sa himpapawid ang makukulay na fireworks display sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila habang papalapit sa runway ang kanilang sinasakyang international flight.
Tunay aniyang kakaiba, dahil taong 2025 pa sila umalis ng Taiwan at 2026 na nang tuluyang makalapag sa Pilipinas.
Lalong naging espesyal ang sandali nang inanunsyo ng piloto na ang kanilang eroplano ang kauna-unahang international flight na nag-land sa bansa ngayong bagong taon.
Sa loob ng eroplano, agad na sumiklab ang palakpakan at ngiti ng mga pasahero matapos ang anunsyo. Ramdam umano ang saya at pananabik habang sabay-sabay nilang sinalubong ang 2026 sa mismong sandali ng paglapag.
Para sa netizen, ang karanasan ay isang payak ngunit hindi malilimutang sandali—isang simbolo ng bagong simula at ng pagbabalik sa sariling bayan kasabay ng pagsalubong sa Bagong Taon.



Comments