Evaluation and validation, isinagawa ng Project TABANG sa mga Rural Health Units (RHUs) ng Dinas, Dimataling, at Tabina
- Oct 1, 2025
- 1 min read
iMINDSPH

Nagsagawa ang Project TABANG ng evaluation at validation sa mga Rural Health Units ng Dinas, Dimataling, at Tabina.
Ikinasa ang evaluation at validation, araw ng Lunes, 29 Setyembre 2025.
Layon ng aktibidad na suriin ang epektibong implementasyon ng mga naipamahaging gamot at medikal na suplay sa ilalim ng Health Ancillary Services component.
Sa pamamagitan ng inisyatibang ito, muling pinagtibay ng Project TABANG ang kanilang pangako sa pagtulong sa mga lokal na pasilidad pangkalusugan, at sa pagbibigay ng accessible at tumutugong serbisyong medikal para sa mga komunidad sa Zamboanga Sibugay.



Comments