top of page

Executive Course bilang bahagi ng nalalapit na paglulunsad ng DSM Call Emergency, isinagawa ng LGU Sultan Kudarat

  • Jan 15
  • 1 min read

iMINDSPH


Ayon sa LGU Sultan Kudarat, bahagi ito ng patuloy na pagsasanay at pagpapalakas ng kakayahan ng mga lider katuwang ang lokal pamahalaan upang higit pang mapaigting ang kapayapaan, kaayusan, at seguridad ng bawat mamamayan.


Dagdag ng LGU Sultan Kudarat, ang programang ito ay hindi lamang pag-aaral ng mga estratehiya sa pamumuno at pamamahala sa krisis, kundi isang konkretong paghahanda rin sa isang sistemang magsisilbing mabilis at maaasahang tulay ng komunikasyon sa oras ng sakuna, panganib, at agarang pangangailangan ng mga residente


Sa pamamagitan ng kaalaman, koordinasyon, at malasakit, ayon sa LGU mas pinagtitibay ang isang pamahalaang handang tumugon, makinig, at kumilos para sa kapakanan ng lahat.


Panawagan ng lokal na pamahalaan na sama-sama itinataguyod ang isang ligtas, maagap, at matatag na Sultan Kudarat at Maguindanao del Norte.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page