Expanded BISITA sa Barangay program ng Sultan Mastura LGU, Aarangkada muli
- Diane Hora
- Oct 22
- 1 min read
iMINDSPH

Upang mas mailapit sa komunidad ang serbisyo ng gobyerno, tutungo sa darating na a-bente nuebe ng Oktubre ang Team B.I.S.I.T.A sa Barangay Simuay Seashore, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte.
Pangungunahan ito ni Sultan Mastura Mayor Armando Mastura, katuwang sina Maguindanao del Norte with Cotabato City Congresswoman Bai Dimple Mastura, TINGOG Partylist at iba pang mga katuwang na institusyon kung saan magkakaroon ng Medical at Socio-Civic Mission.
Magbibigay din ng iba’t-ibang serbisyo tulad ng issuance of live birth certificate, pagkuha ng cedula, pagbabayad ng Real Property Tax, Assessment at Record Verification, Tax Amnesty Information Campaign at issuance of Notice of Assessment.
May serbisyong pangkabuhayan at pang-agriukultura rin kung saan mamamahagi ng mga binhi at may animal health services din.
Para naman sa mga medical services, magsasagawa ng free medical consultation o checkup, pre-natal checkup, dental at eye checkup.
Magsasagawa rin ng operation tuli, blood donation drive, “Sagip Paningin” para sa mga Senior Citizens, Buntis Caravan at pamamahagi ng buntis kits at PhilHealth E-Konsulta.
Hindi rin papahuli ang mga kabataan dahil may feeding program, children’s entertainment at mamamahagi rin ng school kits.
Magbibigay naman ng service inquiry at food packs sa mga senior citizens, PWD at solo parents.
Iba’t-ibang aktibidad din ang gagawin tulad ng Earthquake at Fire Drill at information drive laban sa sakuna.
Tiyak na mag-eenjoy ang lahat dahil sa isasagawang cooking at singing contest at quiz bee.
Kaya sa mga residente ng Simuay Seashore, kita-kits sa Oktubre 29 para sa Expanded B.I.S.I.T.A sa Barangay ng lokal na pamahalaan.



Comments