EXPLORATORY MEETING isinagawa ng MOLE BARMM kasama ang kinatawan mula sa iba’t ibang pribadong sektor sa rehiyon upang tugunan ang epekto ng oil crisis sa Bangsamoro
- 3 hours ago
- 2 min read
iMINDSPH

Ipinatawag ng MOLE, araw ng Martes, April 7 ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang pribadong sektor sa isang exploratory meeting upang tugunan ang epekto ng patuloy na oil crisis sa Bangsamoro.
Pinangunahan ang aktibidad ni Carlito Coloso, kung saan layunin nitong mangalap ng datos, ilahad ang labor concerns, at bumuo ng mga stratehiya upang maibsan ang epekto ng krisis na dulot ng sigalot sa Middle East.
Samantala, inilahad ni Atty. Ronald Hallid Dimacisil Torres, Chairperson ng Bangsamoro Business Council, ang isang resolusyon na nananawagan sa pamahalaan ng Bangsamoro na kumilos upang mabawasan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis sa mga negosyo. Naipasa na aniya ito sa iba’t ibang ministries matapos ang pulong noong Marso 23.
Binigyang-diin din ni Torres ang kahalagahan ng local economic stimulus, kabilang ang agarang pagpapalabas ng pondo at pagbabayad ng obligasyon ng gobyerno upang mapanatili ang liquidity ng mga negosyo. Aniya, mahalaga rin na sa loob ng BARMM isinasagawa ang mga aktibidad ng mga ahensya upang mas mapalakas ang lokal na ekonomiya.
Iminungkahi rin niya na magkaroon ng kinatawan mula sa management at labor sector ang Bangsamoro Oil Crisis Impact Task Force (BOCITF), kasama ang MOLE, upang mas epektibong mamonitor ang kalagayan ng mga manggagawa.
Sa pulong, ibinahagi rin ng mga kumpanya ang kanilang best practices upang maibsan ang epekto ng taas-pasahe at gastusin sa mga empleyado, tulad ng:
• libreng shuttle at bus services
• staff housing
• meal at housing allowances
Tinalakay rin ang posibilidad ng flexible work arrangements at adjusted working hours bilang tugon sa kasalukuyang sitwasyong pang-ekonomiya.
Isinagawa ang inisyatibong ito sa ilalim ng pamumuno ni Muslimin Bapa Mus Sema, na naglalayong protektahan ang pangunahing haligi ng ekonomiya ng rehiyon—ang mga manggagawa—sa gitna ng patuloy na krisis.



Comments