top of page

FAB, hindi lamang dokumento ayon kay ICM Abdulraof Macacua kundi isang simbolo ng mahalagang bahagi ng kasaysayan sa pinagdaanan ng Bangsamoro tungo sa right to self-determination

  • Diane Hora
  • Oct 17
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

October 15, 2012 nang lagdaan ng gobyerno ng Pilipinas at ng Moro Islamic Liberation Front ang Framework Agreement on the Bangsamoro o FAB.


Sa paggunita ng BARMM Government ng ika-labing tatlong taong anibersaryo ng nilagdaang kasunduan sinabi ni BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua, na nagsilbing daan ito sa tinatamasang kapayapaan ngayon sa Bangsamoro Region.


Dahil dito, nabuo ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro at naisabatas ang Republic Act No. 11054 o ang Bangsamoro Organic Law na nagbigay daan naman sa pagkakatatag ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.


Ayon kay Interim Chief Minister Macacua, ang FAB ay hindi lamang isang dokumento, ito ay simbolo aniya ng mahahalagang bahagi ng kasaysayan sa pinagdaanan ng Bangsamoro tungo sa right to self-determination.


Dagdag ng Interim Chief Minister na naging daan din ito upang alalahanin at bigyang pagpupugay din ang mga martyrs, peacemakers at bawat pamilyang tiniis ang mga taong puno ng pangamba at kawalan ng katiyakan upang marating ang araw na tinatamasa ngayon.


Sinabi ng opisyal na isa itong pagkilala sa kanilang mga kontribusyon kaya dapat aniyang ingatan ang kapayapaang ito.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page