Farm inputs, ipinamahagi ng MAFAR sa mga magsasaka katuwang ang LGU Rajah Buayan, Maguindanao del Sur
- Diane Hora
- Oct 15
- 1 min read
iMINDSPH

Bilang suporta sa mga magsasaka, namahagi ng certified hybrid corn seeds at mga corn harvester ang Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform sa ilang kooperatiba ng mga magsasaka sa bayan ng Rajah Buayan sa Maguindanao del Sur.
Katuwang ang lokal na pamahalaan, matagumpay ding naisagawa ang pagsasanay para sa mga magsasaka kung saan itinuro sa kanila ang makabago at mahahalagang teknolohiya sa pagtatanim ng mais tulad ng tamang pagpili ng binhi, pamamahala ng sustansya ng lupa, integrated pest management at postharvest handling.
Layon nitong maitaas ang ani at mapabuti ang kabuhayan ng ating mga magsasaka.
Ang aktibidad na ito ay bahagi rin ng Festival of Service: GIVE HEART, ang malawakang socio-economic development program ng Maguindanao del Sur Provincial Government na layong dalhin ang masaya, makabuluhan at inklusibong serbisyo saan man sa probinsya.



Comments