top of page

FARM INPUTS Tinanggap ng 100 magsasaka sa Tawi-Tawi mula sa Project TABANG

  • Apr 10
  • 1 min read

iMINDSPH

Mahigit 100 family farmers ang nakinabang sa pamamahagi ng cassava stalks, agricultural supplies, at farming equipment na isinagawa ng Office of the Chief Minister sa pamumuno ni Abdulraof Sammy Gambar Macacua, sa pamamagitan ng Project TABANG sa Barangay Parangan, Panglima Sugala noong Abril 6, 2026.


Kabilang sa mga benepisyaryo ang 100 cassava farming families mula sa iba’t ibang sitio tulad ng Lambog, Buai, Luuk-Luuk, Pahut, Pangapaan, Gulindang, Binuang, Tuburan, at Bud Sali.


Tumanggap ang mga benepisyaryo ng cassava stalks, complete fertilizer, foliar fertilizer, at solar-powered electric knapsack sprayers.


Layunin nitong mapataas ang agricultural productivity at mapalakas ang kabuhayan ng mga magsasaka sa lugar.


Pinangunahan ang aktibidad ng Provincial Coordinating Team sa pamumuno ni Hamka Malabung, bilang bahagi ng tuloy-tuloy na distribusyon ng agricultural inputs sa ilalim ng Project TABANG.


Nasaksihan din ang aktibidad ng mga barangay officials ng Parangan, kasama si Juvelin Reyuta, at mga kinatawan ng Bangsamoro Women Commission, na nagsagawa rin ng lecture hinggil sa women’s rights at protection.


Bahagi ito ayon sa programa ng mas malawak na agricultural assistance program ng Project TABANG na pinamumunuan ni Brahim Lacua, na naglalayong palakasin ang food production at isulong ang sustainable farming sa mga komunidad sa Tawi-Tawi.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page