top of page

FARM INPUTS Tinanggap ng 97 magsasaka sa Tawi-Tawi mula sa BARMM government sa ilalim ng Project TABANG

  • Apr 9
  • 1 min read

iMINDSPH



Tinanggap ng 97 miyembro ng Mastul Marketing Cooperative ang cassava stalks, agricultural supplies, at farming equipment na ipinamahagi ng Office of the Chief Minister sa pamumuno ni Abdulraof Sammy Gambar Macacua, sa pamamagitan ng Project TABANG sa Barangay Bakong, Simunul, Tawi-Tawi noong Marso 31, 2026.


Tumanggap din ang bawat benepisyaryo complete fertilizer, foliar fertilizer, solar-powered electric knapsack sprayer.


Layunin ng hakbang na palakasin ang agricultural productivity at palawakin ang livelihood opportunities ng mga magsasaka sa lugar.


Pinangunahan naman ng Provincial Coordinating Team, sa pamumuno ni Hamka Malabung, ang aktibidad bilang bahagi ng tuloy-tuloy na distribusyon ng agricultural inputs at kagamitan sa ilalim ng Office of the Chief Minister (OCM) at Project TABANG.


Bahagi ito ng mas malawak na inisyatibo ng pamahalaan upang mapataas ang produksyon sa agrikultura at mapabuti ang kabuhayan ng mga lokal na magsasaka sa Bangsamoro region.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page