top of page

FESTIVAL OF TALENTS 2026 Matagumpay na naidaos ng Lanao del Sur II Division

  • Feb 27
  • 1 min read

iMINDSPH



Isinagawa ng Lanao del Sur II Division ang Festival of Talents 2026, araw ng Martes, Pebrero 24 sa Division Office sa Malabang.


Pinangunahan ang aktibidad ng Schools Division Superintendent na si Dr. Anna Zenaida Unte, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng holistic development ng mga mag-aaral alinsunod sa adhikain ng Department of Education (DepEd) at Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE).


Layunin ng DFOT na magbigay ng plataporma sa mga mag-aaral upang maipamalas ang kanilang talento at kakayahan sa larangan ng sining, wika, at inobasyon.


Pinangasiwaan ang programa ni DFOT Focal Person ASDS Imelda Balt, katuwang ang mga Division Chiefs, Education Program Supervisors, ISAL Supervisors, program coordinators, at mga guro mula sa iba’t ibang paaralan sa dibisyon.


Bukod sa pagpapakita ng talento at pagkamalikhain ng mga kalahok, layon din ng aktibidad na palakasin ang samahan at kolaborasyon ng mga paaralan, at matukoy ang mga natatanging kalahok na kakatawan sa dibisyon sa regional level.


Kabilang sa mga kategorya ng kompetisyon ang Advocacy Pitch, Literary Cup, Qur’an Reading, Arabic Language, Harf Touch, Dokyumento, Pop Quiz, at Desk Mates.


Ayon sa pamunuan, ang Division Festival of Talents ay nagsisilbing pagkilala sa iba’t ibang kakayahan ng mga mag-aaral at patunay ng patuloy na pangako ng dibisyon na hubugin ang mga kabataang may kakayahan, kumpiyansa, at balanseng pag-unlad.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page