Final orientation para sa kauna-unahang Mayor Datu Armando Mastura Volleyball Tournament 2026, isinagawa
- Jan 13
- 1 min read
iMINDSPH

Kasabay ng orientation ang pamamahagi ng libreng upper uniform para sa lahat ng kalahok na koponan at manlalaro.
Layunin ng nasabing aktibidad na ihanda ang mga koponan sa mga alituntunin, iskedyul, at mekaniks ng palaro bago ang opisyal na pagsisimula ng mga laro sa Enero 19, 2026, hanggang sa pagtatapos ng torneo.
Hinikayat din ang lahat ng manlalaro at opisyal ng koponan na patuloy na subaybayan ang opisyal na pahina para sa mga anunsiyo at game schedules upang matiyak ang maayos at organisadong daloy ng kompetisyon.
Nagpaabot ng pasasalamat ang mga tagapag-organisa sa lahat ng participating teams, players, at SK Chairpersons na dumalo at nagpakita ng buong suporta sa nasabing orientation, na itinuturing na mahalagang hakbang sa tagumpay ng palaro.
Nagpapasalamat din ang mga ito sa alkalde at sa LGU sa patuloy na suporta at dedikasyon sa pagpapaunlad ng sports sa munisipalidad. Pinasalamatan ang dating alkalde, Datu Mando “Junior” T. Mastura, na ngayo’y Municipal Sports Coordinator, sa kanyang walang sawang paggabay at paghihikayat upang mas mapalakas ang kultura ng palakasan at pagkakaisa sa komunidad.
Inaasahang magsisilbing plataporma ang naturang torneo hindi lamang sa pagpapalakas ng pisikal na kakayahan ng kabataan, kundi pati na rin sa pagtataguyod ng disiplina, sportsmanship, at pagkakabuklod ng mamamayan ng Sultan Mastura.



Comments