top of page

Final transition plan, Sulu transition, at progress report ng Task Force on Special Concerns, ilan sa mga hinimay na usapin sa 77th Cabinet meeting na pinanguhana ni ICM Abdulraof Macacua

  • Diane Hora
  • Sep 10
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Nagharap sa pulong ang cabinet ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua, araw ng Martes, September 9.


Tinalakay sa pulong ang final transition report na magsisilbi umanong gabay ng susunod na mamumuno sa rehiyon pagkatapos ng halalan sa Oktubre.


Inilatag sa pulong kung nasaan na ang BARMM sa kasalukuyan at ano ang mga susunod na hakbang ng administrasyon.


Pinagtibay din ng gabinete ang Bangsamoro Action Plan sa kabataan, kapayapaan at seguridad na nagtitiyak ng mahalagang papel ng kabataan sa pagpapanatili ng kapayapaan.


Ibinahagi rin sa meeting ang mahalagang impormasyon hinggil sa Shar’iah programs sa rehiyon.


Binusisi rin sa paghaharap ng mga opisyal ng iba’t ibang ministries ang estado ng Sulu Transition at ang progress report mula sa Task Force on Special Concerns na nakatutok sa matagal nang mga bayarin na ngayo’y nasisingil at natutugunan na.


Pinag-usapan din ang operasyon ng Polloc Port, na itinuturing na mahalaga para sa ekonomiya ng rehiyon.


Patunay umano ito na ang BARMM ay kumikilos ayon sa strategic communications ng tanggapan ng Interim Chief Minister nang may malinaw na direksyon at pagkakaisa.


Ayon sa tanggapan, lahat ng ito ay nakatuon sa iisang layunin—ang makamit ang kapayapaan at kaunlaran para sa Bangsamoro region.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page