top of page

Firearm, ammunition at ilegal na droga, nasamsam sa search warrant operation sa Monkayo, Davao de Oro; Suspek, arestado

  • Teddy Borja
  • Feb 3
  • 1 min read

iMINDSPH



Narekober ng mga awtoridad ang baril, mga bala, at hinihinalang ilegal na droga sa search warrant operation na ikinasa ng pulisya sa bayan ng Monkayo.


Kinilala ang suspek sa alyas na “Ronel”. Narekober ang isang baril, mga bala, at hinihinalang ilegal na droga.


Ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya habang inihahanda ang mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.


Isinagawa ang operasyon ng Monkayo Municipal Police Station katuwang ang Provincial Intelligence Unit, Provincial Drug Enforcement Unit, 1st Provincial Mobile Force Company, at ang Philippine Drug Enforcement Agency.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page