top of page

Fireworks display, isinagawa sa unang gabi ng ramadan sa Cotabato City

  • Feb 19
  • 1 min read

iMINDSPH



Sinaksihan ng mga magkakaibigan, magkakamag-anak, at mga opisyal ng Cotabato City ang isinagawang fireworks display kagabi sa Cotabato City Plaza.


Naging maayos naman ang daloy ng trapiko sa paligid ng city plaza. May ilang bahagi ng lugar ang pansamantalang isinara upang matiyak ang kaligtasan ng mga dumalo.


Nagkaroon din ng maikling programa bago ang pormal na pagsisimula ng fireworks display. Dinaluhan ito ng mga opisyal ng pamahalaang lungsod sa pangunguna ng Vice Mayor Johair Madag, mga city councilors, youth advocates, at iba pang panauhin.



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page