top of page

First family, nanguna sa opisyal na paglulunsad ng Responsableng Panonood tungo sa Bagong Pilipinas infomercial na pinamagatang ‘Tara, Nood Tayo!

  • Diane Hora
  • Sep 9
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Video courtesy: Presidential Communications Office


Pinangungunahan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang infomercial na ito na sumusuporta sa layunin ng Administrasyon na itaguyod ang responsableng panonood at hikayatin ang mga Pilipino na suportahan ang lokal na mga pelikula, palabas, at malikhaing nilalaman ayon sa Presidential Communications Office.


Ito ay sa pakikipagtulungan ng Presidential Communications Office (PCO), Office of the Executive Secretary (OES), at ng Philippine Information Agency (PIA).


Ipinagdiriwang din ng kampanya ang mayamang talento ng mga Pilipinong artista, producer, direktor, operator ng sinehan, at distributor.


Ang ‘Tara, Nood Tayo!’ ay ipapalabas sa buong bansa sa pamamagitan ng tradisyonal at digital na mga plataporma.


Inaasahang maaabot nito ang mas malawak na audience, lalo na ang mga kabataan, na may mahalagang papel sa pagpapalago ng industriya ng media at libangan sa bansa.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page