top of page

FISH VENDOR, ARESTADO sa isinagawang buy-bust operation sa Rosary Heights 7, Cotabato City

  • 3 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH


Sa Cotabato City pa rin —

Arestado ang isang fish vendor na high-value individual sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Rosary Heights 7. Kinilala ang naarestong suspek sa alyas na “Harris”, 42 taong gulang, may asawa, at residente ng nasabing lugar.


Bandang alas-10:30 kagabi nang isagawa ng SDET ng Police Station 2, kasama ang CPDEU-CCPO, ang operasyon.


Nahuli ang suspek matapos umanong magbenta ng dalawang sachets ng hinihinalang shabu sa poseur buyer na nagkakahalaga ng ₱1,000, na may kabuuang timbang na tinatayang 0.15 gramo.


Sa isinagawang body search, narekober ang marked money na ginamit sa operasyon.


Ang suspek ay sasailalim sa drug testing, habang ang mga nakumpiskang ebidensya ay ipapadala sa Regional Forensic Unit para sa laboratory examination.


Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page