Flagship at education campaign na dinisenyo para isulong ang malawak na kamalayan hinggil sa moral governance at priority agenda ni ICM, inilunsad
- Diane Hora
- Sep 8
- 1 min read
iMINDSPH

Inilunsad ng tanggapan ni Interim Chief Minister Abdulraof Macacua sa pamamagitan ng Strategic Communications Team ang #SammyGamBARMM Moral Governance (SGMG) Dialogue Series Program.
Ito ay isang flagship information and education campaign na idinisenyo para i-mainstream ang Moral Governance at i-promote ang Priority Agenda ng Interim Chief Minister.
Ang paglulunsad ng serye ng program ay alinsunod sa Executive Order No. 002, series of 2025.
Binigyang-diin sa program ang mga non-political accomplishments ng pamahalaan ng BARMM habang pinalalakas ang inklusibong pakikipag-ugnayan sa mga komunidad at institusyon.
Ipinatupad ito sa pakikipagtulungan sa Project TABANG, na kilala sa grassroots mobilization at pagbibigay ng social assistance, kabilang ang pamamahagi ng mga post-activity incentives para sa mga lumahok.
Inilahad naman ni Hadji Harris Ismael, ang Information and Communications Head ng Project TABANG, ang mga mandato at layunin ng programa bilang isa sa mga flagship initiatives ng Government of the Day, na nagbibigay ng agarang tulong at direktang serbisyo sa mga mamamayang Bangsamoro.
Ayon sa SCT, ang inclusion ng “ayuda” incentives sa pamamagitan ng Project TABANG ay nakatulong nang malaki para pataasin ang partisipasyon, lalo na mula sa mga grassroots communities at mga estudyante.
Ito rin ay nagsilbing simbolo ng paninindigan ng BARMM government sa Moral Governance, na tinitiyak na ang mga mamamayan ay aktibong katuwang sa pag-unlad ng rehiyon.



Comments