top of page

"Food For Peace: Maguindanao del Sur Integrated Agriculture Program"

  • Diane Hora
  • Oct 27
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

“Peace Begins In The Stomach”, ito ang paniniwala ni DA Secretary at former Cotabato Province Governor Manny Piñol na kanyang personal na iprenisinta ang blueprint ng Integrated Agricultural Program kay Governor Datu Ali Midtimbang na naglalayong gawing major food production zone ng Halal Beef ang lalawigan.


Tinalakay ito ng opisyal, October 22, na sinaksiihan ng mga political at traditional leaders sa UBJP Headquarters sa Talayan, Maguindanao.


Nabuo ng dating kalihim ang isang programa na tinawag nito na "Food For Peace: Maguindanao del Sur Integrated Agriculture Program".


Magsisimula aniya ito sa development ng basic crops tulad ng mais, Sorghum at Soybeans na magsisilbing pundasyon para sa development ng Cattle, Goat, Free-Range Chicken at iba pang high value agricultural products.


Bumuhos agad aniya ang suporta sa programa nang ipost nito ang integrated Agricultural Program para sa Maguindanao del Sur.


Sinabi ni Piñol na nangako si National Irrigation Administration Chief Eddie Guillen ng 5 units ng Solar-Powered Water/Irrigation Programs para sa dalawang MILF Camps at Teduray Community.


Nagbigay din umano ng pahayag si Presidential Peace Adviser Sec. Carlito Galvez Jr. na susuportahan nito ang programa na may Livelihood Projects tulad ng Cattle Raising at Breeding Facilities, Warehouses at Farm-to-Market Roads.


Nangako rin si PhilMech Director Dionisio Alvindia ng farm equipment na ire-release sa 2026 bilang suporta sa programa.


Isusumite sa Sangguniang Panlalawigan ang proposed Maguindanao Integrated Agriculture Blueprint para sa adoption ayon sa ibinahaging impormasyon ng dating kalihim.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page