FOOD PACKS DISTRIBUTION Pamamahagi ng food packs at grocery items sa mahigit 5,000 ustadz at ustadza sa Sultan Kudarat, bahagi ng pagtutulungan at matatag na ugnayan ng Maguindanao del Norte Provincia
- Mar 2
- 1 min read
iMINDSPH

Higit pa sa pamamahagi ng bigas at grocery items, isang pagkilala sa mahalagang papel ng mga ustadz at ustadza ang tinanggap na tulong ng mga ito mula sa LGU Sultan Kudarat at tanggapan ni Congresswoman Bai Dimple Mastura, ayon kay Maguindanao del Norte Governor Datu Tucao Mastura.
Ayon sa gobernador, ang ganitong mga inisyatiba ay patunay ng patuloy na malasakit ng pamahalaang panlalawigan sa bawat sektor ng lipunan. Aniya, mahalagang mapatatag ang ugnayan ng pamahalaan at mamamayan, lalo na sa mga panahong may espiritwal na kahalagahan tulad ng Ramadan.
Dagdag ng opisyal, sa patuloy na pagtutulungan ng pamahalaang panlalawigan at lokal na pamahalaan, inaasahang mas mapapalakas pa ang mga programang naglalayong magbigay-ginhawa at magpatibay ng pagkakaisa sa komunidad ng Maguindanao del Norte.



Comments