top of page

Food packs, hatid ng Maguindanao del Sur Provincial Government sa mga pamilyang apektado ng baha sa Sultan Sa Barongis

  • Diane Hora
  • Oct 27
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Muling nagpaabot ng tulong ang Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur sa pangunguna ni Governor Datu Ali Midtimbang para sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad tulad ng baha.


Tinungo ng mga kawani ng provincial government ang bayan ng Sultan Sa Barongis, araw ng Biyernes at namahagi ng food packs sa mga residenteng binaha sa lugar.


Katuwang ng pamahalaang panlalawigan ang DSWD Region XII at BARMM READi, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office kasama ang Team Datu sa Talayan, kasama ang lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Sultan sa Barongis.


Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga tumanggap ng tulong sa pamahalaan, na patuloy na nagbibigay ng suporta at malasakit sa mga mamamayang nangangailangan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page