Food packs, ipinamahagi ng Maguindanao del Sur Provincial Government sa Shariff Saydona Mustapha at Mamasapano, MDS
- Diane Hora
- Oct 22
- 1 min read
iMINDSPH

A bente-uno ng Oktubre, 2025, bilang bahagi ng tuloy-tuloy na aksyon ng Probinsya ng Maguindanao del Sur para matulungan ang mga pamilyang apektado ng baha, namahagi ng food packs ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), Team Datu sa Talayan (DST) katuwang ang BARMM READi, DSWD Region XII, at mga lokal na pamahalaan.
Unang isinagawa ang distribusyon sa Barangay Ganta, bayan ng Shariff Saydona Mustapha, sa pakikipagtulungan ng LGU Shariff Saydona, bilang agarang tugon sa mga residenteng naapektuhan ng matinding pagbaha.
Nagtungo naman ang PDRRMO, DST at LGU sa Barangay Bakat upang ipagpatuloy ang pamamahagi ng food packs sa mga apektadong pamilya sa lugar.
Kahalintulad na aktibidad ang isinagawa sa bayan ng Mamasapano, kung saan ang mga residente roon ay tumanggap rin ng ayuda bilang tugon sa epekto ng kalamidad.
Ang nasabing mga inisyatibo ay isinakatuparan alinsunod sa direktiba ni Governor Datu Ali Midtimbang, na naglalayong masigurong agad na makarating ang tulong sa mga mamamayang labis na naapektuhan ng sakuna.



Comments