top of page

Food redemption activity hinggil sa Walang Gutom Program ng DSWD, isinagawa sa bayan ng Sultan Mastura, Maguindanao del Norte

  • Diane Hora
  • Oct 14
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Katuwang ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Sultan Mastura, maayos na naisagawa ang food redemption activity para sa “Walang Gutom Program” ng Department of Social Welfare and Development, araw ng Lunes.


Layon ng aktibidad na tiyaking ang bawat benepisyaryo ay may sapat, ligtas at masustansyang pagkain sa kanilang hapagkainan alinsunod sa layunin ng national campaign na “Sa Bagong Pilipinas, Wala Nang Gutom.”


Tumanggap ang mga benepisyaryo ng iba't ibang masustansyang pagkain tulad ng bigas, manok, isda, gulay at prutas.


Pinangunahan ni Regional Program Coordinator Hajiara Pandi ang isinagawang Monitoring and Assessment upang tiyaking ang mga ipinamamahaging food commodities ay sumusunod sa pamantayan ng DSWD.


Kasama din nito sa koordinasyon ang Municipal Social Welfare Officer na naging tulay para sa maayos na pagpapatupad ng programa sa local level.


Nagpulong din ang mga opisyal ng DSWD at si Mayor Datu Armando Mastura hinggil sa pagpapatupad ng programa.


Mas pinalalakas naman ng Sultan Mastura LGU ang ugnayan at pakikipagtulungan sa DSWD at iba pang ahensya ng gobyerno upang matiyak na walang maiiwang pamilya pagdating sa usaping pagkain, nutrisyon at kalusugan ng mamamayan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page