Food security, palalakasin pa ni Governor Mujiv Hataman sa Basilan sa pamamagitan ng Magtanah Program kung saan 100 ektarya na lupain ang magsisilbing agricultural center para sa food-sufficiency
- Diane Hora
- Oct 21
- 1 min read
iMINDSPH

Plant for Livelihood Program o Magtanah, ito ang isa sa mga isinusulong ni Governor Mujiv Hataman sa lalawigan ng Basilan sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Isang daang ektarya ng lupain na pag-aari ng mga magsasaka sa lalawigan ang target ng programa para palakasin ang food security at lumikha ng livelihood opportunities para sa mga Basileños.
Ang lupaing ito ang magsisilbing agricultural center para tutukan ang food self-sufficiency. Ang programa ay dinisenyo para tiyaking ang local production ay ayon sa nutritional demands ng probinsya.
Ayon sa gobernador, maglalaan ng 20 million pesos ang pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng Magtanah Program para sa cold storage upang maiwasan ang pagkabulok ng produkto ng mga magsasaka.
Ang Magtanah Program ay bahagi ng mas malawak na istratehiya ni Gov. Hataman upang gawing sustainable at progressive ang Basilan.



Comments