top of page

FOREMAN, PATAY; BABAE,SUGATAN Matapos pagbabarilin habang sakay ng payong-payong tricycle sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte

  • Apr 10
  • 1 min read

iMINDSPH

Sa Maguindanao del Norte—

Patay ang isang foreman mula sa Talomo, Davao City habang sugatan naman ang isang babae na residente ng Antipas, Cotabato, matapos pagbabarilin habang sakay ng tricycle sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte Kinilala ang mga biktima na sina alyas "Martin", 66 anyos, na nasawi, at alyas "Krisyl", 34 anyos, na sugatan at kasalukuyang ginagamot sa ospital.


Sa spot report ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station, sakay ng kanilang motorsiklo ang mga biktima nang sundan ng apat na hindi pa nakikilalang suspek na sakay ng dalawang motorsiklo at bigla silang pinagbabaril pagdating sa lugar ng insidente.


Naganap ang pamamaril, araw ng Miyerkules, April 8 sa Poblacion Dalican ng bayan.


Agad na dinala ang mga biktima sa ospital, subalit idineklarang dead on arrival ang isa habang patuloy na ginagamot ang sugatan.


Nagsasagawa na ng manhunt operation ang pulisya upang matukoy at maaresto ang mga suspek habang nagpapatuloy ang masusing imbestigasyon sa insidente.



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page