Fortified Rice ipinamahagi sa 500 pamilya sa Sultan Mastura, Maguindanao del Norte sa ilalim ng SECURE Program ng BFSTF; ang distribusyon ay pinangunahan ng MSSD katuwang ang WFP at LGU
- Feb 23
- 1 min read
iMINDSPH

Pinangunahan ng MSSD, katuwang ang World Food Programme (WFP) at ang Local Government Unit (LGU) ng Sultan Mastura, ang ikatlong batch ng pamamahagi ng fortified rice sa ilalim ng Sustainable Environment Community Upliftment and Resiliency (SECURE) Convergence Program ng Bangsamoro Food Security Task Force (BFSTF) noong Pebrero 17, 2026.
Kabuuang 500 pamilya mula sa Barangay Macabiso at Barangay Tambo ang tumanggap ng fortified rice bilang bahagi ng mga interbensyon sa pagpapalakas ng food security at nutrisyon sa komunidad.
Ang SECURE Program ay isang convergence initiative ng mga ministries, offices, LGUs, at development partners ng BARMM na naglalayong maghatid ng magkakaugnay na interbensyon upang mapabuti ang food security, mapalakas ang nutrisyon, at mapataas ang kakayahan ng mga komunidad na makaangkop sa epekto ng climate change at sakuna.
Bukod sa MSSD, kabilang sa mga ahensyang bumubuo sa SECURE Program ang Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform (MAFAR), Ministry of Environment, Natural Resources, and Energy (MENRE), Bangsamoro Planning and Development Authority (BPDA), at Ministry of Interior and Local Government (MILG), na magkatuwang sa pagpaplano, pagpapatupad, at pagmomonitor ng mga community-based interventions. (𝗔𝗝𝗔𝗠/𝗜𝗖𝗗)



Comments